Reaksyong Papel tungkol sa kwentong, "Minsan May Isang Doktor"
Minsan sa ating buhay ay masasabi natin na mas matalim pa ang mga masasakit na salita ng isang tao kaysa sa isang patalim. Ang kwentong aming nabasa na pinamagatang "Minsan May Isang Doktor" na isinalin ni Ronaldo A. Bernales ay isang mahusay, mapanakit at nakakapagbigay-aral na istorya. Kwentong tatatak sa ating puso't isipan na kailanman hindi natin malilimutan. Ito ay hamak na istorya lamang pero ang aral at hinuhang ibibigay nito sa atin ay parati nating maaalala sa ating pang-araw-araw na buhay. Hindi talaga maiiwasan sa ating buhay na kung saan ay makakasalamuha natin ang isang taong makasarili, mapanakit at mapanghusga sa kanyang kapwa. Ito ang nangyari sa ating pangunahing tauhan na sa gitna ng kanyang mga sakripisyo ay mayroong pa ding taong hindi kayang umunawa at magpahalaga. Kung babasahing maigi ang kwento ay masasabi nating napakabuti ng ating bida. Dahil nakakaya niyang manahimik na lamang sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Kong ati...